Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Ryan napasigaw ng "ARAY!" sa ginawa ni Jackie

2026Film

Para sa mga nanay na araw-araw lumalaban nang tapat, kahit walang pahinga at palaging puyat. Sa bawat umaga, ngiti pa rin ang salubong para sa pamilya. Happy Mother's Day, sa mga dakilang ina! Isang early treat para sa mga mommies ang inihanda ng "It's Showtime" family. Ang unang regalo, world-class performance ni "America's Got Talent" Season 20 grand winner Jessica Sanchez sa entablado. Dahil deserve nila ang korona, mga nanay ang reyna sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena. Dala nila ang mga kuwentong may kurot sa puso, katulad ng motherhood journey ni Weng, na nagpapatunay sa kasabihang ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa dugo. Maging si Vice Ganda ay naging emosyonal sa kuwento ni Ambeck, na nagpakatotoo sa mga challenging parts ng pagiging ina, katulad ng pagod at minsang 'di pagkakaunawaan nila ng mga anak. Kaya grateful din siya kay mister who doesn't make her feel alone and lonely. Lahat naman ay napangiti pero si Ryan Bang ay napangiwi sa pinakabagong paandar sa Laro Laro Pick. Sa 'You Gotta Lyric' round, sumabak ang "It's Showtime" hosts sa aktingan. Ang sabi, aktingan lang! Pero 'yung sampal ni Jackie Gonzaga kay Ryan, makatotohanan! Dahil walang naka-survive sa 12 players, bumunot ng host na maglalaro. Pangalan ni Ryan ang na-pick! Araw ni Ryan 'to! Matapang niyang sinugalan ang P350, 000 POT question for his partner player na si nanay Bing. Pang-MAY-lakasan ang labanan ng mga tubong-Mindanao na sumabak sa Regional Finals ng Tawag Ng Tanghalan. Sina Yeng Constantino, Jed Madela, Jonathan Manalo at special guest hurado Jessica Sanchez, bumilib sa mga pagtatanghal. Bago sa pandinig ang male version ng "I Am Changing" na ipinamalas ni Aarol Fernandez. Swabe pero mapuso naman ang atake ni Najib Baragona sa pagkanta ng "Paano." At classic hugot ang hatid ni Arafat Usman sa awiting "Mahal Pa Rin Kita." Entertaining mula simula hanggang dulo ang romantic "I Think They Call This Love" performance ni Arbasa Abdulkarim. Isang OPM harana naman ang piyesa ni Mubarrdh Magabato sa entablado, singing "Bakita Ba Ikaw." #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #MotherShowtime

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Ryan napasigaw ng "ARAY!" sa ginawa ni Jackie

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog