Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

REUNION ni Vice Ganda at mga kapitbahay niya sa TAMBUNTING

2026Film

Summer and senti muna tayo kasama ang very beautiful OPM icon na si Joey Albert, na naghatid ng early musical treat sa Madlang People bago ang kan'yang sold-out concert. Ano kaya ang sikreto ni Ms. Albert to looking young and staying long and strong sa music scene? Sa pahabol birthday celebration niya sa "It's Showtime," si Vice Ganda, reunited sa mga dating kapitbahay sa Tambunting, na nagtipon-tipon sa 'Laro Laro Pick.' Binalikan ni Vice ang good old childhood days niya bilang Tutoy, as she reunited with Melvin, ang first-ever best friend niya. Nakumpleto ang OG tropa ni Vice. Bukod kay Melvin, naglaro rin sina Paul, Wilbert, Ivan, at Jon-Jon. Ilan pa sa mga espesyal na bisita sa game arena ang isang ninang ni Vice at mga kaibigan ng kan'yang mga kapatid at ina. Nasorpresa rin siyang makita si Mark, ang dating makulit na bata, na ngayo’y ibang-iba na. Ipinakilala rin ni Vice sa mga kapitbahay ang partner na si Ion Perez. At para bang honorary member na siya ng Tambunting neighborhood, si Ion ang umabante sa jackpot round para sa nabunot niyang lucky player na si Precy. Dahil espesyal ang mga bisita, tinapangan ni Ion at sinugalan ang P100,000 POT question, na nasagot niya nang tama, kaya ang P100,000, naiuwi ni Precy. At dahil malapit sa puso ni Meme Vice ang players, nagbigay siya ng tig-5,000 sa lahat. Dose-dosenang entertainment ang hatid ng mga mang-aawit mula Region 12 na matapang na sumalang sa 'Tawag Ng Tanghalan.' Ang unang kalahok ay isang singer at estudyante. Sa tanghalan kaya siya'y aabante? Buong puso ang ibinuhos ni Jomar sa pag-awit ng "Pulubi" ni Freddie Aguilar. Sipag at tapang ang panlaban ni Crisyl sa buhay bilang working student. "Habang May Buhay" naman ang sandata niya sa TNT entablado. Kung si hurado Kyla ay nabighani sa ganda boses ni Jomar, na inihalintulad niya sa season of "spring," payo naman ni hurado Marielle kay Crisyl ay mas i-refine pa ang ilang parte ng performance bagama't mapuso rin ang naging pagtatanghal nito. Sa huli, si Jomar ang itinanghal na daily winner. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeLaroArawAraw

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About REUNION ni Vice Ganda at mga kapitbahay niya sa TAMBUNTING

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog