Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Ang pagsisimula ng Region 12 face-off sa TNT

2026Film

Walang iwanan, walang malulungkot. Dito sa "It's Showtime," sabay-sabay tayong kumembot. Kung gamot sa stress ang hanap, laughter lang ang katapat. Hindi nagpahuli sa kembutan mga bisitang young stars sa pangunguna ni Zephanie. Girl group ang atake! Masarap ang kuwentuhan kasama ang mga madlang senior citizens na bumisita sa 'Laro Laro Pick' game arena. Sa mga sakit ng katawan, huwag kalimutan, tawa is also the best maintenance. Parang gamot na nakakawala ng lungkot ang mga jokes ni Vice Ganda. Biro niya, nagkaroon siya ng 63-year-old jowa pero nauwi umano sa breakup ang kanilang love story. Bakit nga ba, Meme? Matamis ang mga ngiti ng player na si Lola Neknek, pero sa likod ng tawa ay kuwento ng hirap na tahimik niyang hinaharap dahil itinataguyod niya ang tatlong apo. Iniwan na lang sa kan'ya ang mga apo nang walang sustento. Hindi naitago ni Vice ang naramdamang lungkot at sakit para sa matanda. Bagama't disappointed no'ng una, hinnikayat ni Vice ang mga magulang ng mga apo ni Lola Neknek na bumangon at itama ang mga pagkakamali. Interesting din ang mga baon na kuwento ni Tatay Bubot, na nagbahagi ng ilang bagay mula ssa 'sunnah' o ang mga traditional social and legal customs ng Islam katulad ng paniniwala nila sa paglilibing at pagpapahaba ng balbas. Si Jackie Gonzaga ang may good performance sa PILImination round. Na-pressure man dahil sa takot magkamali, pinagbigyan niya ang hiling ng nabunot na player, si Tatay Bimbo, na ilaban ang P150,000 POT question. Tumalab ang panalangin ni tatay dahil si Jackie ay nagtagumpay. Nag-inspire naman si Vice Ganda sa pagmamahal ni Tatay Bimbo sa may sakit na asawa. Purong-puro at totoong totoo. At dahil mahal ni Vice ang mga bisitang seniors, may palambing siyang regalo sa Lahat ng lola't Lolo na naglaro. Dose-dosenang entertainment ang hatid ng mga mang-aawit mula Region 12 na nagsimula ng bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan.' Pero, ano itong hinahanap nina hurados Ogie Alcasid, Klarisse De Guzman at Erik Santos? Makabagong himig ang hatid ng unang kalahok na si Charlie, singing Harry Style's "Falling." Parang sa pula, sa puti ang laban dahil classic naman ang tunugan ni second contender Angel May, na inawit ang "Bakit Ako Mahihiya." Hindi nagsisinungaling ang emosyon sa mga mata ni Punong Hurado Ogie nang sabihin niyang naramdaman niya ang performance ni Charlie kahit hindi siya pamilyar sa kanta. Mahusay rin si Angel May, ngunit komento ng mga hurado, may hinanap silang iba at bago sa pagtatanghal nito. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeKembotSaSaya

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Ang pagsisimula ng Region 12 face-off sa TNT

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog