Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Vice, tinapatan ang talak nina Andrea at Jers sa Miss Q&A

2026Film

Dedma sa ex na kumakatok at may pasalubong na paulit-ulit na pasakit. But, hello sa grupong nagbabalik sa "It's Showtime" entablado para pagandahin ang araw n'yo. Napaindak ang buong nation sa performance at taas ng energy ng P-Pop group VXON. Dazzling sa pagrampa sina Miss Q and A Resbakulawan candidates Andrea Jane Peralta, Jers Sabado, at Mama Dhel. Dahil Resbakulawan, diretso nang sumalang ang tatlo sa Wit Lang. Pagkatapos, sina Andrea at Jers ang umabante sa BEKLAMATION. Na-impress si hurado Nicole Cordoves, pero aminadong nakulangan nang kaunti sa 'chukchak' ng dalawang ladies. Kaya para iwas-bitin, pati si Vice Ganda ay tumalak na rin! Sa huli, itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era Resbakulawan daily winner si Andrea. Hindi na kailangan pang tumama sa lotto para masabing lucky sa araw na 'to! Dahil swerte agad ang lumapit sa mga taga-San Isidro, Cainta Rizal na bumida sa Laro Laro Pick game arena sa "It's Showtime." Walang mapapagod kakatawa sa mga challenges sa game arena. Sa paboritong Act-Song portion sa You Gotta Lyric round, time-out muna sa kilig scenes sina Brent Manalo at Jackie Gonzaga dahil magkapatid muna sila sa isang eksena ng family drama. Hindi naman horror story ang pagsali ni player Pao. Dahil matapos ma-eliminate, nabunot ang pangalan niya upang maglaro sa jackpot round dahil bigo ang mga naunang players na ma-secure ang spot. Ramdam ni Vice Ganda ang matinding pangangailangan ni Pao, isang siomai vendor na nag-iipon para sa kanyang operasyon sa mata dahil sa kondisyon na keratoconus. Ramdam din nito ang puso ng manlalaro. Kaya para bang binigyan niya ito ng lakas ng loob na sugalan ang POT question. Pigil ang hininga ng Madlang People at lahat ng nasa studio, hanggang sa isinigaw ni Pao ang sagot. Bumuhos ang emosyon at saya nang i-anunsyo ni Vice Ganda na tama ang sagot ni Pao at maiuuwi nito ang P350,000 POT money. #ShowtimeYesI #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Vice, tinapatan ang talak nina Andrea at Jers sa Miss Q&A

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog