Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Vice naintriga sa Siargao trip ng AzRalph

2026Film

Dumalaw sa studio ang ilan sa OG "PBB Collab" housemates Brent Manalo, River Joseph, Xyriel Manabat, Esnyr, at AZ Martinez para sa isang nakakaintrigang patikim sa kanilang bagong palabas. Dahil 'sikreto' ang pinag-uusapan, na-curious si Vice Ganda sa sikreto ni AZ. "Anong sikreto mo? Sinong jowa mo? Kayo na ni Ralph [de Leon]?" tanong ni Meme, na upated pala sa mga Siargao posts ng AZRalph sa social media. Samantala, naki-join ang AzVer duo sa 'Laro Laro Pick' bilang players, at si Brent bilang co-host. Kulitan ay walang humpay kasama ang mga taga-Villamor, Pasay. Angat ang kaguwapuhan ni Otits, ang rider na sweet lover. Natameme si Jackie Gonzaga, dahil walag dating kay Otits ang beauty niya. Dahil si Otits, loyal sa asawa at responsableng ama! Sabi nga ni Meme, salamat sa buhay mo, Otits, dahil may isang babe na masaya dahil sa'yo. Naikuwento naman ni Prince ang 8-year-relationship niya. Naapektuhan tuloy si Brent, na na-hot seat ni Meme Vice tungkol sa kanyang past relationship na tumagal umano ng 3 years. May halong 'aray' ang naging kapalaran ni Redgie, ang madlang player mula Villamor, Pasay, na sumabak sa sa jackpot round. Masyadong malaking biyaya ang P500,000 para ito'y tanggihan. Kaya naman si Redgie, sumugal kapalit ng Li-Pot offer na P60,000. Madali ang tanong para sa nakararami, lalo na sa mga eliminated players. Pero kay Redgie, struggle is real nang alalahanin ang pangalan ng atletang Pinoy na tinguriang 'The Magician.' Sayang! Hindi naman natiis ni Vice na hindi tulungan si Redgie. Kaya sagot na ni Meme ang pambayad sa utang nito na P20,000. Limang mang-aawit mula Region II ang sumalang sa Regional Finals ng 'Tawag Ng Tanghalan' Ika-10 Taon.’ Tunghayan ang sagupaan sa entablado at ang mga komento nina hurado Erik Santos at JM Yosures at Punong Hurado Louie Ocampo. "Tanging Mahal," hugot ni Jane sa tanghalan. Sunod na nagpamalas ng talento si Allijah, na bagama't nabilangan nang dalawang beses sa daily round, ay hindi nawala ang confidence sa pag-awit ng "The Impossible Dream" sa Regional Finals. Binilangan naman nina Erik at JM si Frianne, na kinanta ang “Bakit Kung Sino Pa." Ito ang unang beses na bumilang si JM, dahil, aniya, may kailangang i-improve ang contender. Sa kagustuhan na mag-level up, nag-take risks si Eric Paolo sa pagkanta ng "How Am I Supposed to Live Without You," which the hurados appreciate. Pero, sabi nila, hindi malinis ang kanta. Dagdag naman ni JM, hindi bumagay ang R&B na genre. Tuluyang na-gong si Eric Paolo. Limitado man ang paghahanda, hindi nagpatinag si Quinn, na kinanta ang "Something’s Got a Hold on Me.” Sa huli, si Quinn ang itinanghal na wagi. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeRegion2gether

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Vice naintriga sa Siargao trip ng AzRalph

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog