Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Vice may nahuling nagliligawan sa game arena

2026Film

Hindi na kailangan ng kape para magising dahil 'quality' entertainment at tawanan lang with the 'It's Showtime' family ang kailangan para feeling alive. Tuesday pa lang, party-party na ang vibe! Dahil sa pagbisita ng most streamed OPM artist, Cup of Joe. Sina Anne Curtis at Jericho Rosales din ay may pa-kilig na regalo. Um-echo ang malakas na tilian sa studio dahil sa pagdating ni Jericho! Ibang flavor ng love story naman ang ihahain ng dalawa sa kanilang bagong pelikula, titled 'The Loved One,' na para sa mga nagmahal at patuloy na naghihintay pa rin. Valentine's week pero parang Halloween?! Kasi naman, eh, nagmumulto ang mga damdamin! Kasintibay ng mga produktong sapatos nilang ipinagmamalaki ang fighting spirit ng mga masisipag na estudyante mula Marikina na nagtipon-tipon sa 'Laro Laro Pick' game arena. Extra beautiful pa ang Tuesday dahil kasali sa kulitan si Belle Mariano bilang guest co-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, at Kim Chiu. Na-curious ang mga pretty sa pangalan ni Changsu. Nanggigil tuloy si Meme Vice sa palayaw niyang 'Tutoy' na "masagwa" raw pakinggan para sa isang "bakla." At parang may nagliligawan sa game arena. Napansin ni Meme Vice ang tila ‘kilig’ sa pagitan nina players Makmak at Ruth. Ay, mukhang may hahabol pa sa Valentine’s Day! Join din as players sina Darren Espanto, Ryan Bang, Ion Perez, at ang tandem nina MC at Lassy. Naintriga si Meme Vice at napatanong kay Darren, "Niligawan mo ba si Belle ever?" Higit sa kalahating milyon (P600k) ang nakataya sa Pot question, na walang pag-aalinangan na inilaban ni Maricar. "Anong 'B' ang Tagalog ng magnet?" sabi ng Pot question. Hindi man niya na-magnet ang swerte, panalo pa rin si Maricar sa experience. Times ten ang kaba dahil sa matinding hamon na hatid ng entablado sa ika-10 taon ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Ilang beses nabigo at paulit-ulit na sumubok, heto na ngayon si Ericka Manglapus, handang makarating sa tuktok, singing "Rise Up." Mula sa pagiging kampeon sa mga paligsahan sa paaralan, next goal ni Yannie Basical ay makamit ang tagumpay sa tanghalan. "Crying," kanyang inawit. Hindi naman siya nag-cry sa komento nina hurado Yeng Constantino at Marielle Montellano at Punong Hurado Louie Ocampo. Napatayo pa si Yeng habang pumapalakpak! Maging si Vice Ganda ay humanga kay Yannie, na kabilang sa autism spectrum. Sa score na 96.3%, si Yannie itinanghal na panalo at lalaban sa Regional Finals sa Sabado.

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Vice may nahuling nagliligawan sa game arena

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog