Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

RIOT ang KATATAWANAN with the comedians sa Laro Laro Pick

2026Film

The best sila sa pagpapasaya. Happy pill ang hatid sa 'Laro Laro Pick' game arena ng mga paborito nating comedians. Laugh trip ang mga kaganapan kasama sina Empoy Marquez, Kakai Bautista, Kitkat, Divine Tetay, Iyah Mina, Rubi Rubi, Alora Sasam, Diego, Mae Bautista, Pepay, Alex Calleja, at John "Sweet" Lapus. Magaling man silang magpatawa, pero ang pag-ibig, sineseryoso nila. Si Kakai, single sa loob ng dalawang dekada It's complicated naman ang love status ni Diego, na pakiramdam ay may 'kahati' sa pag-ibig ng boyfriend dahil may anak ito sa naunang karelasyon. Nauwi naman sa irapan at puksaan ang kuwentuhan ng magkakaibigan dahil sa usaping 'retoke.' Basta, tahimik lang si Alora, na confident sa natural na ilong niya, kahit pa pabirong ikinumpara ni Meme sa Shih Tzu. Kung mukha lang naman ang usapan, ilalaban ni Empoy ang angking kaguwapuhan. At may napulot tayong isang amazing trivia! Ang komedyanteng si Rubi Rubi pala ang ka-double ni Meme Vice sa pelikulang "Girl Boy Bakla Tomboy." Para bang swerte ang dala ng kanyang bagong labi, dahil sa jackpot round, si Tetay ang umabante. Pinatunayan ni Tetay ang pagiging intelihente nang masagot nang tama ang POT question, at masungkit ang P100k. Dahil special edition ang laro, kalahati ng POT money ay ido-donate sa isang charity. Pero nagdesisyon si Tetay na i-donate na lang nang buo ang pera sa Angat Buhay foundation. Bago ang Huling Tapatan, final chance para humabol sa karera. Ang mga Top 2 scorers of the week, Crisler Aporbo (Region XIII), Craig Derek Dignos (Region VII) at Russiana Ouano (Region XIII), rumesbak sa huling pagkakataon. Natuwa si Punong Hurado Louie Ocampo sa authenticity ni Crisler, na inawit ang “Hindi Ako Laruan.” Sa kabilang banda, nakulangan ang Maestro sa totoong emosyon at puso ni Craig sa pagkanta ng “You’ll Be Safe Here.” Si Russiana ang huling nag-perform, singing “I Have Nothing” by Whitney Houston. Sa huli, nadaig ni Russiana ang dalawang kalalakihan. Sa kanya ang final spot sa Huling Tapatan. #TNTRoadToFinale #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About RIOT ang KATATAWANAN with the comedians sa Laro Laro Pick

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog