Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

P-POP Domination

2026Film

Nabalot ng P-pop feels ang buong studio, at nabalot din ng pag-asa ang puso ng mga typhoon victims na kasali sa Laro Laro Pick, sa ikalawang araw ng 16th anniversary special na unang ipinalabas noong December 2, 2025. Itinaas agad ni Darren Espanto ang energy sa studio with his version of "Dungka" by P-pop Kings SB19. Walang patid ang excitement as he passed on the spotlight to VXON. Present din DNA, 1621, WRIVE, and G22 to show us what they’ve got. And all the ladies in the studio, kinilig sa performance ng BGYO. Na-surprise naman ang lahat sa debut ng pinakabagong “It’s Showtime” girl group. Isang red hot version ng “Pantropiko” ang regalo nina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez at Anne Curtis–the SWT16. Sino ang bias mo? Present din sa studio si BINI member Gwen Apuli para mag-cheer sa buong P-pop community. It’s the season of giving! Maagang pamasko ang handog ng “It’s Showtime” sa mga typhoon victims mula Isabela, Catanduanes, at Aurora na sumalang sa “Laro Laro Pick.” Ikinuwento nina Joan, Ayen, at Nestor ang naging karanasan sa gitna ng baha at landslide. Halos lahat sila ay nawalan ng tahanan, at may iba namang nawalan ng mahal sa buhay. Kuwento ng kabayanihan naman ang bitbit ni Tata sa “Laro Laro Pick” arena. Isa ang pamilya niya sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Pero nakakahanga ang kabutihan at tapang ni Tata, na kinalimutan ang sarili at mas inuna ang pagsagip sa isang matandang kapitbahay at mga alagang hayop na nangangailangan ng rescue kaysa isalba ang sariling mga gamit, na kalaunan ay sinira ng baha. Bukod sa P10,000 na maagang ipinamigay bago magsimula ang games sa “Laro Laro Pick,” umulan pa ng mas maraming papremyo. Ang mga nakarating sa dulo ng laro, nakaipon ng P16,000. Pero ang pinakamalaking swerte ay dumapo kay Banang, ang nakapili ng lucky balloons sa PILImination round. Sabi ni Banang, kung masaya na siya sa P5,000 ay mas lalo pang malaking tulong ang P300,000 na offer sa Li-Pot. Kaya pinili niya ito kaysa sa P1 million Pot question. Mas bumuhos naman ang luha at saya sa buong studio nang ipamigay ni Vice Ganda ang natitirang P700,000 mula sa P1 million jackpot money. Ang P700,000 ay paghahati-hatian ng remaining players na mga typhoon victims. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About P-POP Domination

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog