Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Nakakatawa 'yon?! Ryan tinarget si Ogie sa joke niya!

2026Film

Dahil papalapit na Pasko, mag-practice na para sa paparating na mga Christmas parties. Perfect sa intermission number ang ‘Meme’ dance challenge ng Showtime Baby Dolls. Ang trio naman nina Darren Espanto, Jackie Gonzaga, at Brent Manalo nag-practice na ng caroling. Si Ryan Bang, may natanggap daw na Christmas gift mula kay Ogie Alcasid last year na never niya malilimutan. Sa 'Miss Q and A', talino at wit ang puhunan sa entablado para maputungan ng korona sa ulo. Sumabak sa talakan sina Louie Chua, isang breadwinner na sanay lumaban para sa pamilya; Klara Espedido, ang academic achiever na mahusay rin na manunulat, at Rubi Serenio, na pagme-makeup ang bread and butter. Ang tatlong kandidata, lumiwanag ang mga mata nang masilayan ang idol nila, walang iba kund si Vice Ganda. Si Louie, hindi pinalampas ang pagkakataong makapagbigay ng mensahe ng pasasalamat kay Meme, “Thank you for lifting my personality and also encouraging me to keep pushing everyday.” Maya-maya pa, mas kinilala nina Vice, Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang mga kandidata. Si Klara, nagbahagi ng isang alamat na siya mismo ang sumulat, habang si Rubi naman ay game na sinipat ang mukha ni Ogie para alamin kung anong makeup look ang babagay rito. Sa Tumpak Ganern round, si Rubi ang nalotlot sa laban habang sina Louie at Klara ang umabante sa Wit Lang para subukan kung sino ang mas may bitaw sa talakan. Ngayong Teacher's Month, saluduhan natin ang mga gurong may malaking puso para sa serbisyo at sa mga kabataan. Hindi lang aral ang ibinibigay nila kundi pagmamahal at suporta. Kaya this Friday, mga Special Needs Education teachers ang bumida sa Laro Laro Pick game arena. Nakakuwentuhan ng hosts si Teacher Rose, na maituturing na hero sa classroom. Kamakailan lang, nagtamo siya ng injury matapos magwala ang isa niyang estudyante, patunay na extra lakas ng loob ang kailangan sa napili niyang propesyon. Kaya nanawagan si Vice Ganda para sa mas maayos na insurance at protection para sa mga guro, lalo na sa mga Special Needs Education teachers. Pagkatapos ng mga challenges at mahaba-habang ‘Laro Laro Pick’ final round na ikinapagod ni Meme, kay Teacher Rose talaga kumapit ang swerte. Sa jackpot round, siya ang umabante. Sa jackpot round, mas idinetalye ni Teacher Rose ang nangyari sa kanyang injury.Iniligtas pala niya ang isang estudyanteng nagwala at muntik nang masagasaan, kaya sa kanyang tapang at malasakit bilang guro, mas lalo siyang hinangaan. Para may pandagdag sa gastusin, sinugalan niya ang ₱150,000 POT question tungkol sa ibig sabihin ng NCAP, ang programa ng MMDA. Makakapuntos kaya si Teacher Rose at maiuuwi ang POT money? #GaurShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Nakakatawa 'yon?! Ryan tinarget si Ogie sa joke niya!

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog