Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Ma'am Jo 'NIREKLAMO' ng estudyanteng PINAGALITAN

2026Film

Sanay sila sa makukulit na bata, pero dito sa "It's Showtime," ang mga bisitang guro ang nakipagkulitan sa game arena. Kinilala ng hosts si Teacher Jo, na 27 years na ang karera sa eskwelahan. Kung minsan siya'y kinatatakutan, pero promise, hindi siya masungit. Ang totoo n'yan, pag-amin ni ma'am, silang mga guro pa ang 'di maiwasang matakot sa mg estudyante dahil sa pangahon ngayon na ibang-iba na ag paraan ng pagdidisiplina sa paaralan. Mula umaga hanggang gabi, lesson plan pa rin ang kanilang hawak, pero ang sweldo, palaging salat. Kaya ang panawagan ni Ma'am Jo at ng mga kasamahang guro, "Baka naman!" Sahod ng mga teachers ay dagdagan! Seryoso with fun on the side naman ang pagsagot nila sa mga tanong sa 'It's Giving' round. Pero pagdating sa aktingan portion sa 'You Gotta Lyric' kung saan naki-join pa sa kulitan-acting si Kapamilya actor Anthony Jennings, naku, na-zero ang mga guro. Si Teacher JR ang lucky player na nabunot para maglaro sa jackpot round. Pasado kaya ang 'luck' ni Sir, o babagsak siya sa isang libong papremyo? Bago ang National Finals sa ika-sampung taon ng Tawag Ng Tanghalan, ilan sa mga eliminated contenders ang nagtagisan muna sa Final Resbakbakan round para sa pagkakataon na makalusot sa dulo ng kompetisyon. Unang umawit si Jeremy ng Region III, na pinabilib ang mga hurado sa kan'yang rendisyon ng "Nais Ko." Mula naman sa Region XI, nagbabalik si Florelyn, still standing strong while singing "I'm Still Standing." Intensity 10 ang performance ng pambato ng Region X na si Yvonne, setting the TNT stage ablaze with "Through the Fire." Sa kanyang pagresbak, bitbit ni JV ang bandera ng Region VIII, hoping hindi ma-lose sa pagkanta ng "Lose Control." Region I naman ang inilaban ni Jeanel with an oks na oks performance of "Oks Lang." Hindi matiis ni Punong Hurado Louie Ocampo na sabihing, "Jeanel, you raised the bar!" Pagkatapos ng Resbakbakan, isang tinig ang umangat sa tanghalan. Si Jeanel ng Region I, pasok na sa National Finals! #GumilingSaShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Ma'am Jo 'NIREKLAMO' ng estudyanteng PINAGALITAN

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog