Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Jhong Umawat sa pagtatalo nina Vice at Vhong

2026Film

Ngayong summer, mapapa-“oo” ka talaga sa maraming bagay—"oo" sa malamig na inumin at dessert, "oo" sa beach trip at outing na ayaw mong maging drawing. At syempre, "oo" rin sa chill pero matamis na jamming with "TNT Duets 2" champions Christian Tibayan at Arvery Lagoring. Ang happiness na totoo, lumipas man ang panahon, hindi naglalaho. Mga lolo't lola ng Makati, sa tawanan at kulitan ay hindi nagpahuli. Sa Laro Laro Pick, goal nila ay magwagi. Hindi man kumpleto ang mga ngipin, pero buong-buo ang ngiti sa mga labi ni tatay Cone, ang tricycle driver, sweet lover ng Makati. Si misis lang ang paborito niyang angkas, one and only, walang ibang makatutumbas. Kaya para mabawasan ang pangungulila, pina-laminate niya ang larawan ng namayapang asawa at idinikit ito sa tricycle. Kaya feeling ni tatay, angkas niya si misis forever. Napangiti si Vice Ganda sa kuwentong 'wagas na pag-ibig' ni tatay Cone. Ang tamis, 'di ba, Meme? Mula sa tamis, parang nabudburan ng 'bitterness' ang friendship nina Vice Ganda at Vhong Navarro, na nagka-'misunderstanding' habang nag-i-interview. Lost in translation din ang mga lolo’t lola, na forda imbento ng mga kanta sa game arena. Ang ku-cute talaga! Nilaban ni Darren Espanto ang laro. Dahil siya ang umabot sa dulo, isang eliminated Madlang Senior ang nabunot upang samahan si Darren sa final game. The lucky player, Bebet ang name! Extra generous ang hosts for today’s video. Sinimulan agad ni Karylle sa P35,000 ang Li-Pot offer, na dinagdagan pa ni Jackie Gonzaga ng limang libo. Aray mo! Natawa si Vice Ganda dahil mukhang mag-aabono pa ang alaga niya. Malakas talaga ang karisma ni Jackie dahil na-convince niya si nanay Bebet sa dapat piliin. Pang-MAY-lakasan ang labanan ng mga tubong-Mindanao sa Tawag Ng Tanghalan. Sina Darren Espanto, Punong Hurado Bituin Escalante, at Nyoy Volante, emosyonal sa mga napanood na pagtatanghal. Parang romantikong harana at pangako ng wagas na pag-ibig ang pag-awit ni Arafat ng "Mula Sa Puso." Birit na may hugot naman ang ipinamalaas ni Nursahaya, singing "Halik."

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Jhong Umawat sa pagtatalo nina Vice at Vhong

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog