Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Darren, masyadong ginalingan sa You Gotta Lyric

2026Film

It's the last day of February pero hindi matatapos ang pagbuhos ng swerte at good vibes sa "It's Showtime." Let's end Feb-ibig on a high note kasama pa ang grupong mabisang panlaban sa lungkot, SB19, singing their new track "VISA." Lahat ng challenges at masasayang games sa 'Laro Laro Pick' ay kayang- kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Bulacan—hindi BulaCAN'T! Agad na-intriga si Jackie Gonzaga nang lapitan ni Vhong Navarro si player Juday, na para bang may 'nakaraan' daw ang dalawa. Teka, bakit parang tahimik lang si Jhong Hilario doon sa tabi? Na-curious naman ang lahat sa pinagmulan ng pangalan ni Unggay, ang kapares daw ni Kuys Jhong. Biro ni Jackie, "Matching!" Samantala, pagdating sa games, dapat malinaw ang answer para sure ang chance na maging winner. Kahit si Ryan Bang ay nahirapan sa higpit ni Kuys Jhong. Mas okay talaga 'yung malinaw na, ginandahan pa! Katulad ng pagsagot ni Darren Espanto sa nawawalang lyrics ng kanta, complete with runs and riffs pa! At kaya mo bang makihula sa mga title ng kanta ni Ogie Alcasid? Pagating sa dulo, ang siomai rice vendor na si Mardy ang pinakapanalo matapos manguna sa PILImination sa tulong ni Teddy Corpuz. Matapang niyang sinugalan ang P100,000 POT question, na ipinagpalit sa P20,000 Li-Pot offer. Kudos pa rin sa fighting spirit ni Mardy kahit hindi niya nasagot nang tama ang tanong at hindi naiuwi ang POT money. Sa 'Tawag Ng Tanghalan,' oras na para sa Regional Finals ng mga pambato ng Kabikulan. Nagningning na parang bituin sa entablado si Aiziah, na may haplos sa puso ang pag-awit ng "Lost Stars." Kuminang din na parang diamante si Jennelyn, na very diva ang awra with her rendition of "Diamonds are Forever." Nasa 'edge' naman si Veronica matapos manganib at mabilangan nang dalawang beses sa pagkanta ng "Edge of Glory." Para kang idinuduyan sa langit kapag pinakinggan ang kanyang pag-awit. "Heaven Knows" ang panlaban ni John Loyd sa kan'yang pagbabalik. Classic feels naman ang hatid ni Isabel nang haranahin niya ang Madlang People sa awiting "Saan Ka Man Naroroon." Sa pagtatapos ng face-off, itinanghal na panlaban ng Region 5 si Aiziah, na nagkamit ng score na 94.3%. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Darren, masyadong ginalingan sa You Gotta Lyric

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog