Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Birthday girl KIM

2026Film

Hottie in red si Kim Chiu, as she took the spotlight sa opening ng "It's Showtime," April 20 episode. Naghanda pa ang program ng isang video presentation where Kim talked about second chances and rising above her mistakes. At upang patunayan na posibleng itama ang mga pagkakamali, Kim recreated her viral bloopers from the "ASAP" stage, but this time, perfect na ang lahat ng steps at hindi na siya natumba during the lifting part. Inawit din niya ang "Flashlight," pero sa pagakakataong ito, hindi na sya pumiyok katulad ng nakuhanan sa isang video na nag-trend noon. Extra dose of happiness ang hatid ni Brent Manalo sa fans. Sunod-sunod ang mga pasabog na projects na aabangan sa kan'ya, including the launch of his EP (Extended Playlist). Maging si Vice Ganda ay nasorpresa, pero very proud, sa achievement ng 'alaga' niya. Kung panalo si Brent sa takbo ng career niya, maging Big Winner din kaya siya sa game arena? Malayo man ang pinanggalingan, nag-enjoy ang mga taga-Imus, Cavite na sumalang sa 'Laro Laro Pick’. Pabirong hinimatay si Vice Ganda dahil sa gulo ng usapan nila ni Dang, na para bang nasobrahan sa 'betsin.' Game rin sa kuwentuhan si player Nimfa, na pinagsasabay ang trabaho bilang clinical instructor at pag-aaral. Pagdating sa PILImination, kinoronahan si Princess at umabante sa jackpot round. Simple lang daw ang pangarap ni Cess. Dahil hindi niya nakamit ang inaasam na diploma, hiling niya na sana huwag maulit sa anak ang naging kapalaran niya. Hindi naman maiwasang makaramdam ng lungkot ni Vice Ganda, dahil aniya, hindi dapat "pinapangarap" lang ang makapagtapos ng pag-aaral. Inilaban ni Cess ang P100K POT question kapalit ng P20,000 Li-POT offer. Hindi man niya nasagot nang tama ang tanong tungkol sa kahulugan ng letrang 'V' sa VAT, walang pagsisisi si Cess sa kan'yang desisyon. At dahil proud si Meme sa lakas ng loob ni Cess, ibibigay niya rito ang P20,000 na katumbas ng Li-Pot. Mula Davao Region, limang mang-aawit ang nagbabalik para sa pagkakataon na maging kampeon. Halo-halong opinyon naman ang pinakawalan nina Erik Santos, JM Yosures, at Punong Hurado Karylle. Lasap na lasap ni Gerlyn Desierto ang mga letra ng awiting "Naririnig Mo Ba" ni Morisette Amon. Pinatunayan ni Adornado Arrogante na hindi basehan ang edad sa pagsali sa 'TNT' dahil nagawa niyang makipagsabayan sa mga nakababatang kalahok, singing Martin Nievera's "Ikaw Ang Pangarap." Haryll Jane Bartolini isn't here to play, as she performed "Toy" by Netta. Hindi imagination lang ang husay ni Francis Antoquia ng "Kathang Isip." Mapapa-eyyy ka naman kay Florelyn Perez, who belted out "Hey, Mama" in full vocal prowess. Sa huli, si Francis ang umangat sa Regional Finals, matapos makakuha ng 93% na grado. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Birthday girl KIM

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog